The Linya-Linya Show podcast

388: Bara-Bara - Panalo sa Battle at sa Buhay w/ MHOT

0:00
2:26:35
Spola tillbaka 15 sekunder
Spola framåt 15 sekunder

Panalo sa battle at sa buhay. Panibagong episode ng Bara-Bara, ang podcast collaboration ng FlipTop Battle League at Linya-Linya. Kasama natin ang undefeated FlipTop battle emcee, 2017 Isabuhay Champion, at rap artist sa likod ng critically-acclaimed album na “Panalo Kasa” — mula Cavite pa para sa inyo, mag-ingay para kay MHOT!Kwentuhan tungkol sa Ahon 16, ang epic battle nila ni Tipsy D, ang pressure ng pagiging undefeated, at ang bigat at biyaya ng expectations. Binalikan din natin ang kanyang pinagmulan, ang buhay sa kalye, at kung paano binabalanse ang pamilya, musika, at battle rap.Pinag-usapan din natin ang “Panalo Kasa” — ang kwento sa likod ng album, ang kaibahan ng pagsusulat para sa battle at sa kanta, at kung paano hinuhubog ng buhay ang kanyang sining. Mula gutom, sikap, at siklo ng buhay — hanggang sa mga susunod na target na panalo sa 2026 at sa darating pang panahon.Solid na usapan tungkol sa tagumpay, paghihirap, at patuloy na pagsusumikap– sa loob at labas ng mundo ng battle rap. Listen up, yo.

Fler avsnitt från "The Linya-Linya Show"