The Linya-Linya Show podcast

337: Bara-Bara - Mga Konseptong Isinabuhay w/ GL

0:00
2:23:16
15 Sekunden vorwärts
15 Sekunden vorwärts

Isang araw pagkatapos ng AHON 15, salang agad sa Bara-Bara ng The Linya-Linya Show podcast.


Sa harap ko, para sa inyo— isang battle emcee, poet, at lyricist; isa sa pinaka-inaabangang emcee ng panahon ngayon dahil sa kanyang intelligent concepts and clever angles, sa lawak at lalim ng kanyang vocabulary, sa kanyang creative writing; Champion ng 2018 Process of Illumination, at kahapon lang, mainit-init pa, ang FlipTop Battle League 2024 ISABUHAY CHAMPION— representing Visayas division, mula pa Palo, Leyte para sa inyo— ang nagtawag sa Old Gods at nagpanginig sa current— GL! BOOM!


Tungkol sa kanyang Isabuhay experience at sa pagkamit ng kampeonato, sa creative process at preparations sa isang battle, sa poetry at kung paano nito natulungang mahubog ang kanyang pagsusulat at estilo, sa kwento sa likod ng tumatak nyang “Old Gods” scheme at sa matinding revelation nya (dito nya lang nireveal!) sa naging konsepto ng kanyang Isabuhay 2024 run.


All good with the Old Gods at maging ang current— samahan nyo akong pasukin ang isip, himayin ang mga ideya, at baybayin ang mundo ni GL.


Mindblowing ang mahigit dalawang oras na episode na ‘to.


Lisyen up, yo!

Weitere Episoden von „The Linya-Linya Show“